Siopao.

Natuwa ako kasi nagustuhan mo yung dala kong toasted siopao. Ang saya saya ko pa kasi na-appreciate mo yung food. Pero yung totoo, sino namiss mo? Ako o yung siopao? 

Yung napaparanoid na naman ako kasi akala ko okay lang lahat. Ayun pala hindi!!! 

Gusto niya pag pinapapunta niya ako sa bahay nila, matik dapat pumunta ako. Eh syempre, ang hirap kaya mag-alibi. Atsaka saglit lang din naman ako tumambay sa kanila. Ewan ko ba dun, gusto niya lang ata talaga ako makita? Chos! Wala naman kaming ginagawa sa kanila kundi kumain  at manuod  pagkatapos nun, ihahatid na niya ako sa bahay. 

Balak ko pa naman siya isama sa Tagaytay next week.  Eh mukhang malabo na.  andami ko kasing gustong sabihin sa kanya pag magkasama kami kaya lang kulang talaga yun time.  Tapos ngayon na hindi ako nakapunta, ayan galit na agad? Yung totoo, gf mo na ba ako at nag-gagalit galitan ka na?  Tinawagan kita pero anyare?  Naku! Naku. Ayaw ko na mag-assume pero paano at bakit!!!! 

One moment we’re into each other and after a few days, it seems like we’re a stangers. 


Posted on February 24, 2014

Tagged with 022314  baby  love  broken  heartbreak  vent  rant