"ang ganda ng suot mo"
“Gusto ko yang mga damit mo, ang gaganda”
“uyy,naka dress na naman siya”
“Natutuwa ako sa pormahan mo”

Mga linya na madalas ko marinig sa mga ka-offiemate ko. Nakakataba lalo ng puso kasi naaappreciate nila yung mga simpleng bagay gaya ng pananamit. 

Ako kasi yung tipo ng tao na hindi maguubos ng pera para bumili ng damit sa mga signature/branded clothing line. Wala din ako pakialam kung malaki braso ko, carry lang mag sleeveless. Kahit malaki binti ko, sige palda lang basta comfortable ako sa damit, yun na! 

Konti lang damit ko, kasi parang every quarter lang ako bumili ng damit tapos pa -isa isa or dala-dalawa lang. Kaya ang peg ko ay Mix n’ Match.

Feel ko ang baduy ko manamit, pero pag nakakarinig ako ng mga compliment kung paano ako manamit, natutuwa ako. Yey! Feel ko kasi talaga naappreciate ako. Haha! Oo, mababaw lang ako, nakakatuwa kasi isipin na pinagtutuonan nila ng pansin yun mga bagay na di mo man lang binibigyan ng effort para mapansin nila. Haha 

Posted on February 20, 2014

Tagged with damit  pormahan  022014